“The secret of life isn’t just to
live but to have something worthwhile to live for. We only live once, but if we
live a just and righteous life to fight for a noble cause…one lifetime is more
than enough…”
Bert Fabregas
Ang panganib na dulot nang pagiging
isang Alagad ng Batas ay laging nakabuntot na anino sa isang responsableng
kagawad ng pulisya. Ang karit ni KAMATAYAN ay laging nakaamba dahil sa ating
banal na tungkuling ipatupad ang batas nang patas at walang kinikilingan.
Kadalasang nasa bingit ng panganib ang ating mga operatiba dahil sa mga trabaho
at kasong kanilang hinahawakan. Ang mga kasong kaugnay sa ilegal na droga ay
isa sa mga sensitibong trabaho na kinakaharap ng ating anti-illegal drugs
operatives.
Mahirap banggain ang mga sindikatong
sangkot sa ilegal na droga. Marami silang perang panggastos upang makakuha ng
proteksyon, kaya nilang magbayad ng mga de-kampanilyang abugado, tiwaling law
enforcers, corrupt na piskal at maging mga tiwaling personnel ng judiciary at
MEDIA. Kadalasang tinatadtad ng asunto ang isang pulis ng mga abugado ng drug
syndicates upang bumaba ang moral nito at manghina ang loob. Wawasakin naman ng
mga PR men ng sindikato, through character assassination, ang pagkatao ng pulis
upang mawalan siya ng kredibilidad. Kapag hindi umubra ang harassment at
pananakot, lalagyan nila ng presyo ang ulo mo upang burahin ka na nila ng
tuluyan sa mundo.
Para sa isang tunay na Pulis na kagaya
ni PO2 Canete, buo ang loob na haharapin niya ang lahat ng pagsubok at panganib
upang matupad niya ang kanyang sinumpaang tungkulin na ‘TO SERVE and PROTECT”.
October 21, 2008, bandang tanghali---
galing sa isang hearing si PO2 Canete at patungo na ng Regional Headquarters sakay
ng motorsiklo nang siya ay pataksil na binaril sa likod ng dalawang lalaking
nakamotorsiklo din. Kahit na malubang nasugatan at sumadsad ang kanyang sasakyan
sa railing ng Mactan-Mandaue bridge,
pilit pa ring binunot ni Canete ang kanyang baril subalit di na niya ito
naiputok dahil agad na nakalayo na ang dalawang salarin at sa pangambang may matamaan
siyang inosenteng tao.
Ayon sa isang saksi, dalawang lalaki
na naka-jacket na itim at nakahelmet ang bumaril sa pulis at agad na tumakas papunta
sa direksyon ng Mandaue. Agad na dinaluhan ng isang lalaki ang sugatang pulis
subalit hindi na ito umabot ng buhay sa ospital. Batay sa inisyal na
imbestigasyon at pagsisiyasat, marami nang natanggap na banta sa kanyang buhay
si PO2 Canete dahil sa kanyang aktibong kampanya laban sa mga sindikato ng
ilegal na droga. Bukod dito, may patong na umanong 70,000 pesos ang ulo ng
pulis mula sa mga nasagasaan niyang sindikato dahil sa kanyang pagtupad sa
tungkulin.
Isinilang noong February 15, 1969 at
pumasok sa serbisyo noong September 16, 1996, unang nadestino si Canete sa
Regional Mobile Group bago nasabak sa Anti-Illegal drugs campaign kung saan
nahasa niya ang kasanayan sa surveillance at paglansag sa mga kasapi ng
sindikato ng droga.
Kilalang isang dedikadong pulis,
maraming beses nang nalagay sa peligro ang buhay ni Canete. Minsan ay nabugbog
ito at nagulpi ng mga opisyal ng barangay habang nagsasagawa ng surveillance
operation subalit nagbunga naman nang pagkakaaresto ng mga drug pushers sa
Barangay Ibabao noong 2003.. Ginawaran na rin siya ng Medalya ng Sugatang
Magiting noong 2006 dahil sa pagresponde sa isang nabaril na Barangay Tanod at
pakikipagbarilan sa suspek na si Alberto Palangan. Tinanamaan siya sa tiyan sa
naganap na encounter subalit nahuli naman si Palangan.
Sa edad na 39 natuldukan ang buhay ng isang magiting na
pulis na nagngangalang PO2 JOSE CLINT CANETE. Maraming mamamayan ng komunidad
ang nanghinayang sa kanyang pagpanaw. Naulila niya ang kanyang tatlong anak na
lalaki at maybahay na si Charito na isang OFW at nagtatrabaho sa DUBAI nang
siya ay mapaslang. Gayunman, ang kawalan at pangungulilang nararamdaman ng mga
kamag-anak, kaibigan, at mga kasamahan ni Canete ay unti-unting napapawi dahil
sa alalahaning hindi nasayang ang inialay niyang buhay sa ngalan ng BATAS at
KATARUNGAN. Sa bawat putok ng baril na inialay ng PNP sa libing ni PO2 Canete,
umaalingawngaw din sa nag-aalab na dibdib ng bawat pulis ang panatang ang bawat
isa sa atin ay handang mamatay at mag-alay ng buhay para sa mamamayang ating
pinaglilingkuran.

he was my father
ReplyDeletegaggia titanium-arts.com - Tipanium Arts
ReplyDeletegaggia thunder titanium lights titanium-arts.com. A world of fun and toaks titanium good-natured gambling in our community. Play roulette, welding titanium table games pure titanium earrings and titanium piercings hit the jackpot!
k221a4iyohg435 sex toys,dildo,realistic dildos,sex toys,sex toys,horse dildo,cheap sex toys,vibrators,sex chair w541i7uhcvn222
ReplyDelete