“The secret of life isn’t just to
live but to have something worthwhile to live for. We only live once, but if we
live a just and righteous life to fight for a noble cause…one lifetime is more
than enough…”
Ni Bert Fabregas
Buwan ng Marso noon, 2001, araw ng
lunes, bandang tanghali--- off duty na si P02 Gilig sa kanyang shift nang
rumesponde siya sa isang robbery case sa Downtown Cebu. Agad siyang sumaklolo
sa may-ari ng isang carpet store na si Alirisa Arbajab na nabaril sa paa ng
tatlong holdaper sa kahabaan ng Jasmin Street malapit sa Capitol Building
ng Cebu.
Sa kabila nang nakakaraming bilang
ng mga masasamang elemento na kanyang makakatunggali, hindi nag-atubiling
tumugon sa tawag ng tungkulin ang magiting na pulis at agad na dinaluhan ang
gipit na kalagayan ng biktima na nasugatan dahil sa tama ng bala.
Nakipagpalitan ng putok si P02 Gilig
sa mga holdaper ngunit sa kasamaang palad ay tinamaan siya ng bala sa dibdib.
Bagaman at malubha ang tinamong sugat, hindi nasiraan ng loob si Gilig at
nagawa pa rin niyang kalabitin ang gatilyo ng kanyang baril bago nagdilim ang
kanyang paningin at tuluyang nalagutan ng hininga. Ang huling punglo na kanyang
pinakawalan ay tumama sa katawan at naging sanhi ng kamatayan ng isa sa mga
holdaper na nakilalang si Christopher Ismas Berongis, tubong Clarin, Misamis
Occidental.
Sa
nanlalabong paningin ni P02 Gilig, watawat ng Pilipinas ang kanyang
nababanaagan na buong giting na nakawagayway at nakikipaglaro sa hangin. Para
sa kanya, lilisanin niya ang mundong ito nang may dignidad. Babaunin niya sa
hukay ang kagitingan ng isang tunay na Alagad ng Batas na itinaya ang sariling
buhay upang mailigtas ang mamamayan laban sa masasama.

No comments:
Post a Comment