KAPAYAPAAN ANG IPAGLABAN, HINDI KARAHASAN!!!
Humihiyaw
nang katarungan ang mga kaanak at kaibigan ni SPO1 Liberato Cesar Jr., bunga nang maka-hayop na pagpaslang sa kanya
ng mga Teroristang New People’s Army (NPA). Ito ang mariing pahayag ni Louie Balbago ng grupong INANG BAYAN. Ang
nabanggit na Non-Government Organization (NGO) ay pangunahing tagapagtaguyod ng
mga pagkilos upang wakasan na ang karahasan at lagim na inihahasik ng NPA sa
ating bansa.
Si
SPO1 Cesar na isang ulirang ama at alagad ng batas ay nasabat sa isang
checkpoint ng mga NPA sa Barangay Sabloyon, Caramoran, Catanduanes habang sakay
ng isang motorsiklo noong Agosto 7, 2006. Sinundo siya ng kaibigang si Jomel De
Quiros mula sa bayan ng Viga upang maghanap ng tulong medikal para sa kanyang
anak na maysakit. Dahil sa hangaring mabigyan ng lunas ang anak, hindi na
inalintana ng pulis ang kanyang personal na kaligtasan upang makahanap ng
gamot.
Ayon
kay PO3 Rogelio Manlangit, imbestigador ng kaso," Hindi na nagkaroon nang
pagkakataong umiwas o manlaban si SPO1 Cesar. Pinaligiran agad sila (Cesar at
De Quiros) at iginapos na parang mga baboy. Mistulang nagdiwang pa ang mga NPA
nang mapag-alamang isang Pulis ang kanilang nalambat. Matapos tangayin ang
dalawa, naglakad pa sila ng ilang oras kung saan pinalaya din si De Quiros ng
mga komunista. Naging malagim naman ang kapalaran ni SPO1 Cesar na dumanas pa
ng ibayong paghihirap at parusa bago pinaslang ng mga NPA."
Ang
resulta ng Post Mortem examination sa bangkay ng pulis ay nagpapatunay ng labis
na pagpapahirap sa biktima. "Ang kanyang mga paa at bahagi ng katawan ay
pinitpit at binugbog sa hambalos, ang kanyang mga kuko sa daliri ay isa-isang
binunot. Nagtamo rin si SPO1 Cesar ng mga palo sa ulo at mga saksak sa dibdib,"
ito ang malungkot na salaysay ni PInsp TUGAY, hepe ng bayan ng Viga.
Inako
ng mga NPA ang maka-HAYOP na pagpaslang kay SPO1 Cesar, isang Pulis at Ulirang
Ama ng Tahanan. Ayon sa Black Porpaganda ng NPA, pinarusahan umano nila ito
dahil abusado at may kasalanan sa kanilang kilusan. "Ito ay isang malaking
kasinungalingan! Sa aming paglubog doon sa komunidad ay nakumpirma namin na
mismong mga residente sa area ang nagpapatunay na isang magalang at mahusay na
pulis ang pinaslang ng mga komunistang NPA", paglilinaw pa ni Balbago ng
Inang Bayan Movement.
Walang
tigil naman sa pag-iyak si Gng Nelia Cesar, maybahay ng biktimang pulis. "
Napakabait niyang asawa at tagapagtaguyod ng aming pamilya. Paano na ang pito
naming anak, paano na ang kanilang kinabukasan? Sana naman masugpo na ang
paghahasik ng karahasan ng mga NPA. Talamak din dito sa amin ang extortion
activities nila, Pati mangingisda, magsasaka at maliliit na negosyante ay
hinihingan nila ng revolutionary tax!", himutok ng biyuda.
Nakakadurog
din ng puso ang ipinaabot pang inpormasyon ng Ginang. Ang bunso nilang anak ay
magdadalawang taon pa lamang nang paslangin ng NPA ang ama nitong pulis. Ang
bunso ang siyang laging sumasalubong sa kanyang ama sa pintuan ng kanilang
bahay tuwing ito ay umuuwi mula sa
kanyang duty sa presinto; siya rin ang nag-aabot ng tsinelas sa kanyang tatay
pagdating nito. Ang pamamanglaw ng mga naulila ay lalong sumisidhi dahil tuwing dapithapon ay lagi pa ring nag-aabang
sa may pintuan ang bunso, umaasang mayakap ang ama at makalaro. Sa kawalang
malay ng kanyang kamusmusan ay laging may katanungang nakakintal sa isipan,
"Inay, bakit wala pa rin po si itay?"
SP01 Cesar

No comments:
Post a Comment